Nov 28, 2012

WORLD'S STANDARDS

(Photo not mine)

The moment I saw this last night on Tumblr, sabi ko sa sarili ko, "Yun, alam ko na kung anong source ng problema ko ngayon at ilalagay ko 'to sa blog ko."

Bakit ko nga ba nasabi na ito yung problema ko ngayon? Sa tingin ko kasi ito eh. Kanina nung naliligo ako (walang malisya ah), iniisip ko na kung ano yung dapat kong ipaliwanag dito kung bakit ito nga yung problema ko. Nung isang araw sinulat ko 'to dito:

"Kasi kailangan kong mag-jogging, nakakapagod na maging mataba noh. Yung tipong may madadaanan kang store ng mga damit tapos may nagustuhan ka pero wala kang size. Sakit 'di ba? Well, ganyan ako lagi. Pero kaya nga eto, sana talaga maging effective. Motivation ko? Pag tumitingin ako sa mga latest pictures ko, ang pangit ko. (Hindi naman sa sinasabi kong maganda ako dati. Pero pwede na rin. Bawal umangal, blog ko to!) Kanina, nag-weigh in ako. (Tama ba? Whatever.) Nasa 145lbs ako. SHET. Imagini-n mo naman kung gaano kataba ako ngayon at kabigat diba. Panget ko pa. (Ok, masyado ko nang binababa sarili ko.) Pero totoo. Pero pag ako pumayat at sumexy? Ha! Lahat ng nagsabi sakin na mas mukha pa kong nanay sa nanay ko at pinagkakamalan akong mas matanda sa ate ko, yung mga taong mahilig manlait dyan *ehem*, yung mga taong nagsabi na hindi na ako papayat, humanda kayo, isusumbong ko kayo kay AMALAYER! JOKE. Hindi, wala naman ako gustong patunayan sa inyo pero sana sa susunod matigil na panglalait niyo ha? Kung maganda kayo dun kayo manglait."

Nasabi ko nga kaya 'to kasi gusto ko pumayat o baka naman gusto ko lang maranasan na mag-suot at pumorma ng ganito?



(Photos not mine)

Mga pormang gusto kong gawin ko ring porma pero hindi ko magawa kasi mataba ako.

Sa panahon kasi natin ngayon, sa tingin ko, ito yung isa sa mga bagay na masasabi mong 'tanggap ka' ng tao kapag pumorma ka ng ganyan. Oh kaya masasabi ko na maganda ka talaga. Pero bakit nga ba natin naiisip yun? And why do we live up to other people's expectations? To impress them? To show them that we can do what they can do? Isa sa mga bagay na na-realize ko sa pag-iisip ko tungkol sa problema ko na ito, eh bakit nga ba kailangan o iniisip lang natin na kailangan natin gawin 'to? Wala naman akong kailangan i-impress na tao kasi kung sila (mga tao sa society ngayon) nga wala silang pakialam sa akin, ako mangingialam sa kanila? Naisip ko rin, bakit nga ba gusto ko silang gayahin? Hindi ko rin naman maintindihan yung sarili ko. Iniisip ko ba kung kapag katulad ko na sila, makukuntento na ako? Eh kapag ginaya ko naman sila parang hindi ko na ma-identify yung totoong ako kasi kung anong meron sila, iisipin ko meron din dapat ako.

Pag mataba ka kasi, marami kang hindi pwede ma-suot. Karamihan sa sizes sa mga tindahan ng damit puro pang-sexy lang mga size nila. Anong magagawa naming mga matataba kungdi tignan lang yung mga damit na gusto naming bilhin pero 'di namin magawa. Ayoko naman ibaba masyado yung sarili ko (masakit din naman noh). Pero let's face reality. Alam ko naman na kaya kong magpapayat, pero mahirap rin tanggihan ang pagkain noh (alam ko, alam niyo yung feeling, kayong mga nakakarelate)! Sobrang hirap. Sa lahat ata ng bagay na hindi ko magagawa, nasa pinakauna sa listahan yung hindi kumain ng marami. Grabe lang. Wag kang mag-alala, itutuloy ko naman yung jogging ko para healthy pa rin. Hindi naman maiipon ang fats at calories sa tyan ko.

Naisip ko rin, pag may nagsabi sa akin na, "Taba mo kasi eh, magpapayat ka kasi.", "Akala ko ba nagdidiet ka? Bakit ang taba mo pa rin?", "Mag-diet ka kasi para masuot mo yung mga damit mo." Blah, blah, blah. (Paulit-ulit lang sabihin na mataba ako, teh? Alam ko na yun.) Siguro, iiwasan ko na lang na hindi mag-react. Dedma na lang. Wala naman sila magagawa kung masarap ako kumain, eh. This is me, I eat so much food. I am fat. Pero siguro dapat itigil ko na rin sabihan yung sarili ko na ang taba ko. Minsan mahirap rin kasi. Kapag aalis kayo, marami kang damit pero di ka makapili kasi yung iba hindi na kasya, kasalanan ko rin naman kasi marami nga ako kumain. Minsan nga, hindi ako makapili ng damit naiiyak pa ko. Self-pity kumbaga. Pero naisip ko na hindi naman ata tama yun. Marami akong damit, hindi lang ako marunong mag-ayos/pumorma. Kaya sa susunod wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao (paulit-ulit ko rin 'tong sinasabi, sana magawa ko). Ito ako eh. You should love me for this or leave me, keribels lang.

Sana yung mga nagbabasa nito na ganito rin ang problema, ma-inspire kayo. SANA. Hindi ko rin alam kung nai-explain ko ng mabuti eh. Sorry ah. 

Salamat ulit sa pagbabasa. Hanggang sa susunog na blog entry ko :)


- A

No comments:

Post a Comment

< > Home
GJANELLI 2018. Powered by Blogger.
GJANELLI © , All Rights Reserved. BLOG DESIGN BY Sadaf F K.