Nov 26, 2012

DON'T EAT, YOU'RE FAT.

 

Tama nga bang sabihin ko 'to sa sarili ko? Oh baka naman masyado ko na naman binababa sarili ko. Oh kaya baka sobra na?

Kaninang umaga, gumising ako, mga 4:30. Yun nga magjo-jogging nga kami. Natuloy naman. (Buti naman, kasi akala ko hindi.) Dun kami sa Cherry nag-jogging, nakailang ikot din naman kami pero karamihan lakad lang muna. Ayaw naman naming biglain yung katawan namin. Pero ang pinakagusto ko kaninang umaga, dumaan kami sa church para magsimba/magdasal. Ang sarap lang sa feeling. After how many months, kanina lang ulit ata ako nakapasok sa simbahan. Oo, aaminin ko, hindi na ako nagsisimba. Which is a really wrong move. Alam ko naman na kung ano yung kapalit ng hindi ko pagsimba, pero siguro sa akin na lang muna yun.

Pagdating namin sa bahay, nagpahinga. Natulog ulit. Pero si Shayne pumasok, 8 kasi yung start ng class niya. Nagising ako mga 9 na para mag-prepare for school. Ayun, pumasok, blah blah blah. Wala namang nangyari sa school na masyadong maganda. Boring lang. Pagdating ko, sumuway ako sa 'rule' naming apat. Ang rule kasi namin wala nang kakain ng rice sa gabi. Pero pagdating ko wala si ate. Walang pagkain. Gutom na ko. Pagdating niya may dala siyang Sizzling Tofu mula sa Max's. Eh di alam mo na kung anong nangyari. Isa 'to sa mga bagay na gusto baguhin ko sa sarili ko. Gustong-gusto ko magbago, pero hindi ko magawa. Bakit? Hindi ko rin alam. Lagi ko naman sinasabihan at pinipilit sarili ko. Sinasabi na para sa sariling kapakanan ko rin naman 'to. Pero ang hirap kasi talaga. Pero wala namang magagawa kung magrereklamo lang at walang gagawin para mabago yun diba? Kaya dapat kumilos. 

Kani-kanina lang nanuod ako ng interview ni Justin with Oprah Winfrey. Una pa lang, parang medyo naiiyak na ko. Ewan ko, konti lang makakaintindi sakin kung bakit (oh baka wala), pero malay natin diba? May mga friends naman akong 'fangirl' din. Pero sabi nila, iba daw talaga yung sa akin. Maybe they will never understand me. Nasabi ko na dati kung bakit ganito nararamdaman ko para kay Justin (corny ba?). Oo, ang corny pala pag Tagalog. Pero baka kasi magdugo na naman ilong ko pag nag-English ako. Sa totoo lang, hindi ko rin ma-explain kung bakit ko super love yun eh. Basta alam ko, I do love him so much. Hindi ko na rin siguro pipilitin yung mga taong nakapaligid sakin na intindihan yung love ko para kay Justin. Isipin na nila gusto nila isipin, sabihan man nila ako ng baliw o ewan, wala na akong pakialam. Wala naman sila sa posisyon ko kaya hindi talaga nila yun maiitindihan. :)

Anjan naman yung 30 million sisters ko para maintindihan ako. At para sa akin, enough na yun. :)
Sa mga haterz niya, ewan. Try niyo panuorin 'tong interview niya para maintindihan niyo siya. Eto yung links:

Siguro balang araw, ikukwento ko rin dito kung paano ako naging Belieber. Balang araw..


Maaga na naman akong gigising bukas. Hindi pa ako nakapagdesisyon kung papasok ako. Parang petiks lang kasi 'tong week na to. AS Days kasi tapos sa Friday, holiday pa. Bahala na bukas. Pero mukhang alam mo na kung ano magiging desisyon ko. ;)


Salamat ulit sa pagbabasa. :)


-A

No comments:

Post a Comment

< > Home
GJANELLI 2018. Powered by Blogger.
GJANELLI © , All Rights Reserved. BLOG DESIGN BY Sadaf F K.